75

Dec 9, 2017 @ 18:42
By

Riders group lalahok sa Human Rights Day rally

Kabilang ang grupong Philippine Riders sa mga grupong sasama sa isasagawang kilos-protesta sa EDSA People Power Monument kasabay ng paggunita ng Human Rights Day bukas, Disyembre 10.

Sinabi ni Don Pangan, ang tagapagsalita ng grupo, sasama sila sa pagkilos para iparating sa mga Metro Manila mayors at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang pagkontra sa plano na pagbabawal sa kanila sa EDSA at sa iba pang national roads sa Metro Manila.

Masama ang loob ng grupo sa katuwiran na tila palagi silang pinag-iinitan ng MMDA at sinisisi sa masamang lagay ng trapiko sa Kamaynilaan.

Giit ni Pangan, nakakatulong pa sila sa trapiko dahil naeengganyo ang ibang motorista na bumili ng sarili nitong motorsiklo.

Naniniwala ang grupo nila na pagtapak sa kanilang karapatan ang plano ng Metro Manila Council dahil bumili lamang sila ng motorsiklo para makaiwas sa trapiko at makarating sa oras ng trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?