18

Mar 16, 2020 @ 16:14
By

Rider tumutok sa tricycle, tigok

Patay ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa kanyang tinutukan na tricycle sa national highway sa Infanta, Quezon Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Carlo Corpuz na ideneklarang dead on arrival sa Claro M Recto Hospital sa nasabing bayan dahil sa grabeng pinsala sa ulo.

Batay sa report ng Infanta police, sumalpok ang rider sa kanang bahagi ng sinunsundang tricycle at tumama ang ulo nito sa bakal na bubong ng tricycle,

Ayon sa driver ng tricycle na si Rojendo Orticio, huli na ng mapansin niya na nakatutok sa kanyang likuran ang rider at bigla itong sumalpok sa gulong ng kanyang side car.

Walang malay na bumagsak ang rider at isinugod pa sa ospital subalit nasawi habang nasa daan pa lamang.

Isinugod din sa ospital ang driver ng tricycle matapos na ito ay magtamo ng pasa sa mukha at atakehin ng hypertension dahil sa pangyayari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?