0
views

By

Rider tepok sa police mobile

Sharing is caring!

Dead on arrival sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City ang isang lalaki matapos sumalpok ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang police mobile sa bayan ng Mabini sa Compostela Valley noong Huwebes.

Ayon sa report, papunta sana ang police mobile na minamaneho ni PO1 Mark Anthony Pableo sa Davao City mula sa Mati City nang banggain ng biktima.

Mabilis umano ang pagpapatakbo ng biktima na si Leonardo Eliguer, 38-anyos, kaya tumilapon ito nang sumalpok sa sasakyan ng mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?