23

May 13, 2021 @ 16:11
By

Rider sumemplang at nagulungan, tepok

Isang rider ang nasawi matapos mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Candelaria, Quezon noon Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Marvin Tagana, 21-anyos.

Ayon sa pulisya, binabagtas ni Tagana ang Maharlika highway sa Barangay Malabanban Norte nang biglang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at tumilapon.

Bukod sa matinding pagbagsak ng biktima sa kalsada, sakto pang may dumaan na biktima at siya ay nagulungan pa.

Agad ikinamatay ni Tagana ang pangyayari.

Ang sasakyan naman na nakasagasa sa biktima ay agad umalis matapos ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?