6

Mar 8, 2021 @ 17:27
By

Rider sumalpok sa van sa sa Isabela, todas

Utas ang isang rider ng motorsiklo matapos bumangga sa isang delivery van sa Cauayan City, Isabela.

Sugatan naman ang isa nitong angkas.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, patungo sa parehong direksyon ang dalawang behikulo habang binabagtas ang isang kalsada sa Barangay Alinam ngunit nabangga raw ng van ang motor nang lumiko ito.

Dahil dito, tumilapon ang motorsiklo at mga sakay nito.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang magka-angkas ngunit ideneklarang dead on arrival ang drayber habang nagpapagaling pa ang angkas nito.

Nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property ang drayber ng van.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?