105
motor-accident
Oct 13, 2017 @ 18:07

Rider sumalpok sa kotse, patay

Patay agad ang isang motorcycle rider matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa papalikong kotse sa Bagong Ilog, Pasig City, kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Melvin Pangan Lacap, 35-anyos, residente ng Barangay Ugong, Pasig City habang kulong naman at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Ginang Lida Atanoza Geraldo, 35-anyos, ng 16 Monte Carlo Homes, M. Tuazon St., Barangay Parang, Marikina City.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas 3:00 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Pasig Blvd. Barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Nabatid na mabilis ang takbo ng motorsiklo ng biktima na patungong Pasig Boulevard nang sumalpok ito sa isang Mazda 3 na may plakang 3-ZDB 322na minamaneho ng suspek na papaliko naman sa kaliwa.

Sa lakas ng pagsalpok ay tumilapon ang  biktima na naging sanhi ng kanyang maagang pagkasawi at idineklarang dead in arrival sa Rizal Medical Center. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?