41

Oct 17, 2021 @ 14:38
By

Rider sa Batangas utas sa hit-and-run

Isang motorcycle rider ang nasawi matapos araruhin ng isang bus nitong Sabado sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Roderick Sevillena, 36-anyos.

Ayon sa ulat, binabaybay ni Sevillena ang kahabaan ng JP Laurel Highway sa Barangay San Roque dakong alas-6:00 p.m. ng gabi nang bigla niyang mahagip ang isang pedestrian na nakilala lamang sa alyas na ‘Balot.’

Dahil dito ay nawalan ng kontrol sa kanyang motor ang biktima hanggang sa maararo siya ng bus na nasa likuran niya.

Tinangka pang dalhin si Sevillena sa pagamutan ngunit hindi umabot ng buhay.

Ayon pa sa mga awtoridad, may sakit sa pag-iisip ang pedestrian na nahagip ng biktima. Ligtas naman ito matapos magtamo ng ilang pinsala sa katawan.

Tinakasan lamang ng bus ang biktima matapos ang insidente. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?