207

Aug 15, 2019 @ 16:54
By

Rider patay sa aksidente

Isang motorcycle rider ang nasawi nang maaksidente habang lulan siya ng kanyang sasakyan kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan, namatay din noon ang biktimang si Jonald Pagulayan, 24, naninirahan sa Hagonoy sa nasabing lungsod.

Sa report ng Taguig City Traffic Bureau, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa ML Quezon Avenue sa nasabing barangay ng naturang lungsod.

Dahil sa umano’y bilis ng pagmamaneho ng biktima sa kanyang Honda Click 125 ay sumemplang ang motorsiklo hanggang tumilapon ito nang ilang metro.

Tumama ang kanyang ulo sa semento na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng mga traffic investigator ang nasabing aksidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?