100

Mar 9, 2018 @ 9:08
By

Rider nabalian sa pagsemplang sa motor

Sugatan ang isang rider matapos sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo na sumemplang gitgitin ng dalawang sasakyan sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Las Piñas General Hospital ang biktimang si Melencio Crisotomo, 25, residente ng TS Cruz ng nasabing lungsod sanhi ng matinding sugat sa kanang kilay, paa at balikat.

Base sa report ng Las Piñas Traffic Bureau, dakong alas-nuwebe ng gabi nang maganap ang insidente sa Pilar Village, Almanza Uno ng nasabing lungsod.

Walang malay nang isugod sa pagamutan ang biktima dahil sa matinding tinamong mga sugat na kung saan agad naman itong nilapatan ng lunas.

Makalipas ang ilang oras matapos lapatan ng lunas ang biktima nagulat na lamang ito ay nasa ospital na siya.

Ayon sa biktima galing siya sa trabaho at papauwi na siya sa kanilang bahay nang bigla umano siyang ginitgit ng dalawang sasakyan na hindi naplakahan hanggang sa sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo na naging dahilan upang tumilapon.

Aminado naman ang biktima na nakainom siya ng alak nang maganap ang insidente.

Sa ngayon inaalam pa ng mga awtoridad kung mayroon nakalagay na closed-circuit television (CCTV) camera sa naturang lugar upang matukoy ang mga plaka ng dalawang sasakyan na gumitgit sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?