286

Jan 22, 2021 @ 15:41
By

Rider na viral matapos makipagtalo sa enforcer humingi ng dispensa

Pinag-usapan sa social media ang isang rider matapos mawalan ng pasensya at nakipagtalo sa mga traffic enforcer habang nag-i-English.

Nasita kasi ang rider na si Billy Jack Sanchez dahil walang suot na helmet ang angkas niyang nobya.

“This is Billy Jack Sanchez, you wanna know what? These traffic enforcers are harassing me right now,” sabi niya sa viral video.

Kahit inaawat na ng kanyang nobya ay tuloy pa rin si Sanchez sa paglilitanya sa mga enforcer.

Iginigiit niyang wala siyang violation at nilaglag pa ang kanyang nobya sa pagsasabing ang backride niya ang may violation.

“Yung backride ko may violation, hindi ako. Siya! Tanong mo sa sarili mo, ako ba naka-backride?” hirit pa niya.

Sinabi naman ng kumukuha ng video (na tila traffic enforcer) na lumabag din si Sanchez sa Motorcycle Helmet Law dahil siya ang driver ng motorsiklo.

Nanawagan naman si Sanchez sa mga basher at netizen matapos mag-viral ang kanyang video.

“Maybe let’s bring back humanity, which I lacked when the situation happened two days ago. Let’s bring back humanity and let love seize the day,” aniya.

Ayon sa ulat ng News5, natubos na umano ni Sanchez ang kanyang lisensya, nagbayad ng P1,000, at sumalang sa seminar dahil sa hindi pagsunod sa pagsusuot ng helmet ng kanyang angkas at pagiging arogante sa mga enforcer.

Nadala lamang daw siya ng emosyon at pagod.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga na-offend na traffic enforcer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?