19

By

Rider na nakainom, sugatan sa pagsalpok sa sasakyan

Sharing is caring!

Nagtamo ng sugat sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang isang motorcycle rider matapos sumalpok sa isang sasakyan sa southbound lane ng Roxas Blvd., Service Road pasado alas-dos kaninang madaling-araw.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Michael Morales na aminadong nakaimom.

Ayon naman sa driver ng binanggang sasakyan na si Alvin Pillano, patungo siya ng NAIA para ihatid ang kanyang pasahero nang bigla siyang banggain ng motor ni Morales na mabilis umano ang patakbo.

Agad namang dinala sa pinakamalapit na pagamutan ang motorcycle rider para lapatan ng lunas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }