327

By

Rider na bibili ng yosi, pisak sa truck

Sharing is caring!

Hindi marahil inakala ng isang binatilyo na ang tawag ng bisyo ang magiging ugat ng kanyang kamatayan sa Muntinlupa City hatinggabi kahapon.

Base sa ulat ng pulisya, naka-inom ang 16-anyos na biktima na si John Mark Navarro, Marquez Subd., at kagagaling lang nito sa birthday party ng kaibigan nang malaman na wala na siyang sigarilyo.

Pagsakay ni Navarro sa kanilang motorsiklo ay tinangka pa siyang pigilan ng kanyang ate at pinagbilinan na huwag na lang lumabas dahil nakainom ito at walang helmet.

Sinabi naman ng truck driver na si Teddy Gotis, paliko na siya ng gasolinahan para mag-deliver nang biglang sumingit si Navarro.

Isang saksi ang nagsabi na mabilis ang pagpapatakbo ni Navarro at nang mabangga ng truck ay nagulungan pa ang ulo nito. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?