335
swiss-army
By

Rider kulong sa dalang Swiss knife

Sharing is caring!

Kalaboso ang isang lalaki matapos sitahin dahil walang suot na helmet at makitaan ng Swiss Army knife sa bulsa, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Jesus Solinas Jr. y Osinar, nasa hustong gulang at residente ng Fortune Marikina City na nahaharap sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa dalang patalim o Swiss knife.

Batay sa report, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Marikina Police Station 7 bandang alas-10:50 ng gabi sa kahabaan ng Tzu Chi St., sakop ng Barangay Fortune, at pinara ang suspek dahil walang suot na helmet.

Nagawa pang magalit ng suspek dahil sa paninita sa kanya at napansin ng pulis na may patalim ito sa loob ng kanyang bulsa at dito na inaresto si Solinas.

Kasalukuyang nakakulong si Solinas sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?