40

Sep 17, 2021 @ 17:32
By

Rider bugbog sarado sa minanyak

Bugbog ang inabot ng isang rider matapos lumaban ang minanyak niyang babae sa Jaro, Iloilo City.

Ayon sa ulat, nilapitan ng rider ang biktima sa loob ng isang subdibisyon sa Barangay Balibago.

Nagtanong umano ang rider sa biktima tungkol sa direksiyon pero bago umalis ang suspek ay biglang hinawakan ang dibdib ng babae.

Imbes matakot ay lumaban ang babae, hinabol ang suspek at pinagsusuntok.

Tinangka pa ng biktima na sumampa sa motorsiklo pero nakatakas pa rin ang manyak na rider.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?