149

Mar 15, 2020 @ 14:41

Rico Yan muling ‘nabuhay’

Halos 18 taon na bago namayapa ang sikat na aktor na si Rico Yan, ngunit napakarami pa rin ng nagmamahal dito.

Sa Twitter, kasama sa Top 20 trending ang pangalan ni Rico, na birthday kahapon, March 14.

Marami tuloy ang nabigla kung bakit biglang sumulpot ang pangalan ng dating ka-love team ni Claudine Barretto.

Ayon pala’y pinalabas sa ABS-CBN ang isa sa mga pelikula nito na Gimik: The Reunion nitong Linggo.

Kaya naman dumagsa ang mga fan ni Rico, at sinariwa ang kanilang mga ala-ala sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?