1,231

Sep 17, 2021 @ 22:20
By

Rico Blanco bumata sa kandungan ni Maris

Mahigit 571,000 views na ang TikTok video nina Maris Racal at Rico Blanco.

Very supportive si Rico para sa promotion ng bagong single ng nobyang si Maris na “Asa Naman”.

Walang kiyemeng umindak si Rico para kay Maris.

“Lol thank you dahil pumayag ka na gawin to 4 TIMES sa iba’t ibang lugar, koriks. cant get over lol,” caption ni Maris.

Ilang netizens ang nakapansin na bumata ang itsura ni Rico sa piling ni Maris.

“Bumata si rico blanco hehehe iba ang charisma ni inday mariz love it,” comment ni makinouchiimelda.

Matatandaang maraming barako ang napa-sana all nang aminin ni Maris ang relasyon kay Rico dahil sa agwat ng edad nila.

23 years old si Maris habang 48-anyos ang dating Rivermaya vocalist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?