112

Aug 10, 2019 @ 21:32
By

Ricky Martin may baby girl na

Pinakilala na ng Grammy-winning Latino singer Ricky Martin ang bagong miyembro ng kanyang pamilya, isang baby girl named Lucia Martin-Yosef.

Pinost ni Ricky sa kanyang Instagram ang picture ni Baby Lucia at nilagyan niya ito ng caption na: “La luz de mis ojos” na ang ibig sabihin ay “the light of my eyes”.

Sinilang si Baby Lucia via surrogate noong New Year’s Eve. Nag-share si Ricky at ang kanyang husband na si Jwan Yosef ng photo ng baby pero hindi nila pinakita ang mukha.

“We are beyond happy to announce that we have become parents to a beautiful and healthy baby girl, Lucia Martin-Yosef. It has been a special time for us and we can’t wait to see where this stellar baby will take us,” sey pa ni Ricky.

Masaya rin ang twin boys nila na sina Matteo ang Valentino sa kanilang baby sister. Natupad din ang dream ni Ricky at Jwan na magkaroon ng malaking pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?