90

May 5, 2021 @ 8:28

Ricky Lo pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang beteranong showbiz editor na si Ricky Lo nitong Martes ng gabi.

Siya ay edad 75.

Kinumpirma ito ng kapatid ni Ricky na si Susan.

Si Lo ay naging associate editor at entertainment editor para sa The Philippine Star ng 35 taon.

Nagsilbi rin ito sa iba pang pahayagan tulad sa Manila Times, kung saan niya unang nailabas ang kanyang column na FunFare.

Bukod dito’y naging author din ng libro si Lo, kung saan tinangkilik ang kanyang mga akdang ‘Star-Studded’ at ‘Conversations with Ricky Lo’.

Naging kilala din siya sa telebisyon nang maging host sa ‘The Buzz’ ng ABS-CBN, at ‘Star Talk’ ng GMA-7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?