54

By

Richard Yap tatakbong kongresista ng Cebu City

Sharing is caring!

Nanumpa kamakailan bilang bagong kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang aktor na si Richard Yap bilang paghahanda sa kanyang pagsabak sa politika sa Lungsod ng Cebu.

Sa mga larawan na pinadala sa Abante ni PDP Laban Public Information Committee chair Ronwald Munsayac, si Yap ay nanumpa sa bilang kasapi ng partido sa harap ni Energy Sec. Alfonso Cusi, ang vice-chair ng PDP Laban.

Si Yap ay napabalitang tatakbo bilang kongresista sa unang distrito ng Lungsod ng Cebu. Bukod sa PDP, kasapi din ang aktor ng 1-CEBU provincial party ni dating gobernadora at kasalukuyang second district Rep. Gwendolyn Garcia.

Inaasahang pormal maghahain ng kanyang kandidatura si Yap sa provincial office ng Commission on Elections sa Lungsod ng Cebu sa susunod na linggo.

Maugong na umano ang balitang sasabak si Yap sa politika sa Cebu noon pang isang buwan, matapos siyang madalas na makitang naglilibot sa hilagang parte ng lungsod kasama ang ibang kasalakuyang halal na opsiyales ng probinsiya.

Inaasahang makikipag-banggaan si Yap kay incumbent first district Rep. Raul del Mar ng Partido Liberal (LP) sa darating na halalan sa 2019.

Si Yap ay ipinanganak sa Lungsod ng Cebu noon ika-18 Mayo 1967. Ang aktor ay nagtapos ng business management sa De La Salle University-Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?