198

May 8, 2021 @ 18:11
By

Richard Yap namulitika sa pantry

Nakuhanan sa isang video ang aktor na si Richard Yap na tumutulong sa isang isinasagawang community pantry sa Cogon Ramos, Cebu City, nitong Sabado.

Bagama’t ang mga community pantry ay inoorganisa bilang paraan ng pagtulong, kapansin-pansin sa video ang dahilan kung bakit nasa nasabing gawain si Yap.


Base sa video na ini-upload sa Twitter, may babaeng nagsasalita sa pantry kung saan sinabi nito sa mga taong nakapila doon na tatakbo sa susunod na eleksyon si Yap.

Bukod pa dito, nagpakuha din ng litrato ang aktor kasama ang mga benepisyaryo ng nasabing pantry, ngunit sa pagpapakuha niya ng litrato ay tinanggal niya ang kanyang face mask at hindi rin naobserba ang social distancing.

Noong 2019 ay tumakbo sa pagka-kongresista para sa unang distrito ng Cebu City si Yap sa ilalim ng PDP-Laban ngunit tinambakan siya ng nakatunggaling si Raul del Mar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?