12

Dec 16, 2020 @ 15:52
By

Richard Yap lipat-bakod sa GMA

Lilipat na sa GMA ang dating Kapamilya actor na si Richard Yap.

Nilabas ng Kapuso network, via @kapusoprgirl, ang teaser photo ng bago nilang artista kung saan iisa ang hinala ng mga netizen: si Yap.

Napaulat na pipirma na ng kontrata ang aktor sa GMA Artist Center ngayong araw.

Ayon din sa anunsiyo ng GMA, sa isang ulat, bukod sa pag-arte ay kumakanta rin at nakapag-release na ng self-titled album ang bago nilang aktor.

Matatandaang nakilala si Richard sa pagganap sa ilang Kapamilya teleserye bilang Papa Chen sa “My Binondo Girl” at Ser Chief sa “Be Careful With My Heart.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?