78

Nov 25, 2021 @ 18:27
By

Richard Reynoso muntik nang matsugi sa COVID

Nagdelikado ang buhay ng OPM singer na si Richard Reynoso dahil sa COVID-19.

Sa Instagram post, inanunsyo niyang nakalabas na siya ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City matapos ang pitong araw na pananatili sa intensive care unit.

“I thank God for these awesome Doctors He provided. These Medical Specialists strategically kept me from being intubated while I was in ICU,” aniya.

“Muntik na. My doctors came in at sabi hindi pala severe ‘yung aking case, prognosis was critical [COVID-19],” patuloy niya.

Kaya naman pinag-iingat niya ang publiko dahil totoo aniyang may COVID.

“‘Di pa po tayo ligtas so please be safe. Hindi n’yo po gusto ‘tong experience na ‘to. Lalong-lalong ‘di n’yo po gusto ‘yung gastos.”

Ilan sa kilalang kanta ni Reynoso ang “Paminsan-Minsan” at “Ale”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?