135

By

Richard Quan kaabang-abang sa ToFarm entry na ‘1957’

Sharing is caring!

 
Isa ang veteran actor na si Richard Quan na tampok sa historical movie na pinamagatang ‘1957′.
 
Ang naturang pelikula ay entry sa ToFarm Film Festival at kasama ni Richard sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Hubert Tibi si Ronwaldo Martin.
 
Inusisa namin si Richard hinggil sa kanilang pelikula.
 
Pahayag niya, “Its about the struggle of farmers during that era… they are being taken advantage by their landlord… their hope is that President Magsaysay will grant them lands thru the land reform program.
 
“Desperate and looking forward to the arrival of President Magsaysay on their province while their landlord is doing everything to dampen their spirit.. but unfortunately the president’s plane crashed on March 1957.
 
“So, what will happen now?” Sagot-tanong pa ni Richard.
 
Siya ba ang bida rito at first time niya ba sa ToFarm?
 
“I don’t think ako ang lead dito… definitely part of main cast…,” pakli ni Richard.
 
Saad pa niya, “Yup, first time… but I’ve been hoping na makagawa talaga rito kasi gusto ko yung advocacy nila.”
 
Nagkuwento rin siya sa mga katrabaho niya sa pelikulang ito.
 
“Second time ko ito to work with Ronwaldo Martin, maayos ang collaboration namin.
 
“First time ko naman to work with direk Hubert Tibi, kaya nag-ask muna ako ng meeting para sure na pareho ang vision at direction namin sa pag-atake ng character ko. Very impressive ang script niya kaya tinanggap ko ang movie,” aniya pa.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: