108

By

Richard nai-excite sa harutan kay Vice Ganda

Sharing is caring!

Bago pa man ang Summer Saya shows ng TFC (The Filipino Channel) sa Winnipeg at North Vancouver, Canada ay alam ko na na kasama si Richard Gutierrez sa Metro Manila Films Festival 2018 official entry ni Vice Ganda, ang Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya!

Actually, naikuwento nga ni Richard na kaya hindi na siya nag-extend sa Canada ay dahil noong June 14 sana ang story conference ng nasabing pelikula, pero hindi nga muna ‘yon itinuloy ng mga taga-Star Cinema at Viva Films.

Ni-reschedule nila ‘yon last Tuesday, pero noong Monday night, nagpasabi sila na hindi muna ‘yon matutuloy at moved to Friday nga raw.

Nang magkita kami ni Annabelle Rama noong Tuesday afternoon, abala siya sa pagpapa-deliver ng mga empanada na mula pa sa Cebu.

Dapat pala ay para ‘yon sa story conference ng araw na ‘yon, pero dahil biglang hindi nga natuloy, kaya naman ipinamigay na lang niya ang mga ‘yon.

Sabi ko kay Bisaya, hindi ko pa naman kinukumpirmang kasama nga si Richard sa Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya kahit maraming nagtatanong sa akin tungkol doon.

“Puwede na naman yatang isulat, wala namang sinasabing bawal!” sabi ni Bisaya.

Actually, noong nagkuwentuhan nga kami ni Richard tungkol sa MMFF 2018 movie na ‘yon, sinabi niyang excited siya sa unang pagsasama nila ni Vice sa pelikula.

Kaibigan din kasi si Vice ng pamilya Gutierrez at sa ilang mga important event nga nila ay imbitado pa ito.

“Ano ka­yang gagawin sa akin ni Vice sa movie?” minsan ay nabanggit ng aktor at natawa siya.

Bukas nga pala ay tuloy na tuloy na ang story conference ng Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya at dahil nasa Europe pa si Richard kasama sina Sarah Lahbati, Zion at Baby Kai ay si Raymond Gutierrez at Bisaya muna ang a-attend doon.

Ire-represent din doon si Richard ng mga taga-Star Magic na siyang nagko-co-manage sa kanyang career ngayon.

Dapat abangan ang nasabing story confe­rence dahil may “twist” na mangyayari na tiyak na ikagugulat ng lahat.

Kung ano ‘yon, hindi raw puwedeng i-reveal, pero sure na sure na raw na mangyayari bukas at tiyak nga na ikakabigla ng lahat at lalo pang pag-uusapan ang Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?