19
abante-tnt-vismin-jed-richard
By

Richard, Jed at Token Lizares magsasama sa “Unforgettable”

Sharing is caring!

BASTA pagdating sa charitables, laging maaasahan ang Charity Diva na si Token Lizares.

Hindi nagdadalawang-isip ang singer kapag may lumalapit sa kanya para mag-show – abroad man o dito sa ‘Pinas — na ang kikitain ay ibabahagi sa mga taong nangangailangan.

Sabi nga ng Charity Diva: “Panga, basta para sa needy people, game ako d’yan. Tulad na lang nitong October 13, may show ako sa Bacolod. Kasama ko ang mga kapwa ko singer na Bisaya din.”

Sina Richard Yap at Jed Madela ang sinasabing singer ni Token na makakasama sa concert na ang title ay Unforgettable.

Gaganapin ang show sa SMX Bacolod, Bacolod City, Negros Occidental. Ang kikitain ng concert ay ido-donate sa St. Mary’s Home For The Aged.

Ang guests sa Unforgettable na mapanonood sa October 13, 8 p.m., ay ang Comedian Duo Le Chazz at AJ, The Voice Chords and Kairos Band at Chikaz Band. Musical director ay si JM Maningo.

Ticket prices: Gold P1,800, Silver P1,000 at Bronze P500. Mabibili ang tiket sa SMX Bacolod Center.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?