46

Jul 17, 2021 @ 11:20

Richard Gomez sapol ng COVID-19

Nagpositibo sa coronavirus disease si Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Nitong Sabado kinumpirma ito ng alkalde sa ipinadalang mensahe sa mga reporter.

“I tested positive for Covid. It could be my exposure from multiple people because of work I do as mayor. But I will be ok,” saad ni Gomez.

Naka-isolate na aniya siya at mild and manageable naman ang mga sintomas niya.

“I will go back to work as soon as doctors will give the clearance. I ask everyone to continue to be vigilant and safe,” sabi pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?