156

Jul 1, 2020 @ 18:21
By

Rich Asuncion, nag-waitress sa Australia

Masaya si Rich Asuncion dahil natanggap na niya ang unang sahod niya mula nang manirahan siya sa Australia kasama ang kanyang asawa at anak.

Kuwento ni Rich, matagal din siyang naghanap ng trabaho kaya hindi na siya nag-inarte pa.

“Marami naman kasing opportunities dito basta di ka lang mapili. So ‘yun na nga, dahil di na ko nagpaka-choosy. sinubukan ko na ang pag wi-waitress. Casual job at a restaurant. Nung una nahirapan ako tanggapin pero narealize ko ngayon ano naman ang masama dun,” sabi ni Rich.

Part pa rin naman daw ito ng kanyang kursong Tourism na kinuha niya sa UP.

Kaya payo niya sa lahat, huwag mag-inarte dahil ang maka-survive sa pandemic ay isang blessing.

Maliban sa pagkakaroon ng trabaho ay nakapag-enroll na raw si Rich at maipagpapatuloy na ang kanyang pag-aaral.

Inalok din siya ng full-time job sa isang daycare.

View this post on Instagram

Long post ahead! ———————————————————— Simulan natin ang post na ito nang masaya. Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo…at sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot. Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya. Lalo pa at nag-adjust palang ako dito sa Australia. Tagal ko rin naghanap ng work. Kailangan mo yun dito dahil pag sa bahay ka lang mas lalo kang malulungkot. Marami naman kasing opportunities dito basta di ka lang mapili. So yun na nga, dahil di na ko ako nagpaka-choosy😂 sinubukan ko na ang pag wi-waitress. Casual job at a restaurant. Nung una nahirapan ako tanggapin pero narealize ko ngayon, ano naman ang masama dun. Part pa rin naman sya ng Tourism course na kinuha ko sa UP. At wala akong karapatan maginarte kasi nabigyan ako panibagong chance to start anew . My point here is, I know most of us will need to adjust to a new/different life after this pandemic. And that’s not all that bad. To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on and say I am still a champion. Be grateful because some people have lost more than you already have. Sa ngayon ay tanggap ko na at masaya na ko sa bago kong buhay kasama ang aking pamilya. 😊Nakapag-enrol na rin ako to continue my studies and last week, I was offered a full-time job at a Daycare where I can work closely with Bela. Life is indeed a journey full of highs and lows but you should never stop moving and you always keep moving forwards. P.S. Ben and I have also just put down a reservation for our future home here in Australia. What a blessing!🏡

A post shared by Rich Asuncion-Mudie (@richasuncionmudie) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,