140
rich

Rich Asuncion, ikinasal na sa Hong Kong

Mag-asawa na si Rich Asuncion at longtime boyfriend nitong si Benjamin Mudie.

Ginanap ang seremonya ng kasal ng dalawa sa Hong Kong nitong Lunes.

Dinaluhan ito ng pamilya ng ikinasal at ilang malalapit na celebrity friends ni Rich kabilang na sina Sheena Halili, Glaiza de Castro, Renz Fernandez at Sunshine Dizon.

Matapos ang kasal ay nagkaroon ng selebrasyon ang mag-asawa sa isang yate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?