44

Sep 13, 2021 @ 10:12

Rich Asuncion buntis nanaman

Isa nanamang expectant mother si Rich Asuncion.

Kasalukuyan niya kasing ipinagbunbuntis ang kaniyang baby number 2.

Ibinahagi naman ng dating artista ang good news na ito sa kanyang Instagram.

“Baby no.2 on the way!” caption niya sa post kung saan makikita ang litrato nila ng kanyang baby no. 1 na si Bella na may nakasulat na “#1” sa tiyan at si Rich naman na may “#2” sa tiyan.

“”Here we go again,” sey pa niya na may kasamang #mudsquad.

Nag-abot naman ng pagbati ang ilan niyang mga showbiz friends.

“@mauwrob Congrats!!!”

“@mysheenahalili Ganda naman ng mag-ina!!! Sana baby boy naman ❤️❤️❤️”

“@marizumali Wow congratulations”

Ayon sa ulat ng GMA News. kasalukuyang naninirahan na sa Australia ang dating aktres kasama ang mister niyang si Ben Mudie na isang rugby player.

Taong 2018 nang ikinasal ang dalawa at isinalang din ng aktres ang kanilang first baby sa kaparehong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?