rice
By

Rice watchdog, tutol sa ‘unli import’ ng bigas

Sharing is caring!

Tinututulan ng rice watchdog ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin na ang quota sa pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa.

Sinabi ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay-Bigas, itinuturing nila na ‘band aid solution’ lang ang nais ni Pangulong Duterte dahil hindi nito lubusang matutugunan ang problema sa suplay ng bigas sa bansa.

Aniya, ang talagang makakaresolba sa isyu ay ang pagpapalakas sa produksyon ng lokal na bigas.

Giit nito, ito rin ang paraan para hindi na magkaroon pa ng krisis ng bigas sa Pilipinas.

Paliwanag pa ni Estavillo, ang gusto ng Punong Ehekutibo ang papatay sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at maaaring ito ang maging daan para tuluyan nang umasa ang Pilipinas sa ibang bansa para sa pangangailangan sa bigas.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na mas makakabuti na may sobra-sobrang imbak ng bigas kaysa muling mawalan ng buffer stock ang National Food Authority. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?