65

By

Rice tariffication ipinamamadali ni Gatchalian

Kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang mga kapwa senador para madaliin na ang debate at agad nang aprubahan ang Rice Tariffication bill.

Sa panukalang batas na ito, magiging malaya ang pribadong sektor sa pag-aangkat ng bigas kaya tiyak umano itong magpapatatag sa suplay at magpapababa ng presyo.

Nakabitin pa ito sa mga plenary debate ng Senado habang aprub na ito sa Kamara.

“I am urging my colleagues in the Senate to pass this very timely bill at the soonest possible time para naman mabigyan na ng ginhawa ang mga nagugutom nating kababayan at upang matigil na rin ang pananamantala ng ilang rice traders at retailers,” panawagan ni Gatchalian.

Ayon kay Gatchalian, bilang chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, ito ang permanenteng solusyon sa mga biglaang pagtataas ng presyo at pagkukulang ng bigas gaya ng naranasan nitong nagdaang isang taon.

Dahil sa pagsirit ng presyo ng bigas matapos ang ilang buwang kakapusan ng suplay ng murang bigas mula sa National Food Authority (NFA), nagtakda ang Department of Agriculture (DA) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ng suggested retail price (SRP) sa bigas.

Ayon kay Gatchalian, pabor sa taumbayan ang SRP pero panandalian lamang itong solusyon sa problema sa suplay at presyo ng bigas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?