441

Sep 30, 2018 @ 23:19
By

Ricci Rivero taas-kamay pa rin sa DLSU

Isa sa naging haligi ng De La Salle University Green Archers noong mga nakaraang season ay ang high-flyer na si Ricci Rivero, ngunit ngayon, UP Fighting Maroons na ang nakatatak sa kanyang jersey,

Naunang itinaas ni Rivero ang kanyang kamay para kantahin ang himno ng UP matapos nilang padapain ang Green Archers, 67-61.

Binaba lang ni Rivero ang kanyang kamay sandali pero agad niya itong itinaas para kantahin ang hymn ng La Salle.

“Sobrang weird nung feeling pero syempre kung nasaan ako ngayon, syempre yun ang isu-support ko,” saad ni Rivero.

Sa UAAP Season 82 pa makapaglalaro si Rivero para sa UP dahil sa one-year residency rule ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?