66
abante-tnt-vismin-ricci-rivero

Ricci Rivero, lumipat na sa UP Maroons

Sharing is caring!

Matapos ang ilang buwan na espekulasyon, tinalupan na ni UAAP standout at Gilas cadet Ricci Rivero kung saan na niya dadalhin ang kanyang talento.

Ito’y matapos niyang mag-leave of absence sa De La Salle University basketball team at tuluyan nang nagpaalam noong Abril sa eskuwelahan.

Inanunsiyo nga ni Rivero sa Twitter ngayong Biyernes ang paglalaro na niya sa UP Fighting Maroons.

(@_ricciiirivero): When you’re down, there’s no where to go but UP! DILIMAN here i come! #UPFight.

Hindi muna makakapaglaro ang 19-anyos na player sa Season 81 para sa Fighting Maroons.

Kasalukuyang abala si Rivero sa Gilas Cadets na naglalaro pa sa 12th Filoil Flying V Preseason Cup na hatid ng Chooks-To-Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?