24

By

Ricci ‘nangati’ ang puwet, babawian ang Blue Eagles

Sharing is caring!

Nangati ang puwet ni Ricci Rivero habang nakaupo sa loob ng Araneta Coliseum sa Game 2 ng best-of-three finals sa pagitan ng kanyang UP Fighting Maroons at eventual back-to-back champs Ateneo Blue Eagles.

Pero wala siyang magawa.

Sa susunod na taon o sa Season 82 pa maaaring sumalang para sa Maroons si Rivero na nagsilbi muna ng one-year residency. Makakasabay niya sa susunod na season pagpasok sa UP men’s basketball team ang isa pang young blood na si Kobe Paras.

“Mahirap na nanonood lang kapag dapat nandoon ka sa loob. I didn’t expect this to happen na mag-sit out ako pero sobrang grabe ‘yung goosebumps the whole game even sa semis pa lang,” kuwento ni Rivero, dating DLSU star na tumalon sa UP bago ang simula ng 81st season.

“Mas magpo-focus pa rin ako on how I usually prepare for every season. I’m really looking forward to playing with these guys,” sabi nito.

“I’m just gonna try, work hard for next season. I’ll try to give everything I’ve got to win games for the team.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }