120

Oct 4, 2021 @ 20:08
By

Rica Peralejo kinilig sa sulat ni VP Leni

Kilig to the bones si actress Rica Peralejo nang makatanggap ng sulat at regalo mula kay Vice President Leni Robredo.

Ibinahagi niya ito sa dalawang minutong video na ipinost niya sa Instagram.

Kuwento ni Rica, inimbitahan niya ang bise presidente sa kanyang vlog at sinuhestiyon niyang mag-exchange gift sila.

“Bandang huli nahiya na ako kasi napaka #busypresidente nga niya so I said wag na pero nagpadala pa din sya ng gifts. Thank you po Ma’am @lenirobredo. Pero sa totoo lang po it’s the letter that touched me the most,” sambit ni Rica.

Bukod sa sulat ay niregaluhan din daw siya ni VP Leni ng mga story book tungkol sa mag-asawang Robredo, laing at Bicol Express na tofu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?