319

By

Rica Peralejo, buntis sa ikalawang anak

Masayang ibinalita ni Rica Peralejo na apat na buwan siyang buntis.

Sa kanyang vlog sinabi ni Rica na nagdesisyon siyang ngayon lang ibalita ang pagdadalantao dahil hindi umano siya makatayo noong Agosto hanggang sa unang linggo ngayong buwan.

Inamin din nito ang takot niya dahil nagkaroon na siya ng miscarriages noong 2016 at 2017.

Ikinuwento rin ni Rica ang pag-inom niya ng maraming gamot para lang masiguro na hindi titigil ang heartbeat ng kanyang baby.

“I just couldn’t help it. I just cried because I felt like, ‘Oh my gosh, the baby is alive!’ Talagang spontaneous tears. I usually don’t cry in front of people, but this time, I couldn’t help it because I was just overjoyed and I was so relieved that the baby is still alive,” sabi ni Rica.

Ito na ang ikalawang anak nila ng mister na si Joseph Bonifacio, na isang pastor.

Mayroon silan 5-anyos na anak na si Philip. Ikinasal sila noong 2010.

Panoorin ang vlog ni Rica tungkol dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?