92

Oct 28, 2020 @ 15:35

Rica dinaga kay Sisi

MAGKAHALONG excitement at kaba ang nararamdaman ni volleybelle Rica Rivera sa paparating na Philippine SuperLiga (PSL) beach volleyball tournament.

“Exciting siya kas it’s been a very very long time na hindi ako nakapaglaro ng beach volleyball, I think four years, ” pag-amin ni Petron Blaze Spiker star Rivera sa Sports Page.

Inamin din nitong may konek pa rin sila ni 2019 SEAG beach volleyball bronze medallist Sisi Rondina at nalaman din niya ang posibleng pagsabak nila sa PSL.

“Nag-uusap kami ni Sisi [Rondina] na what will you do – may leagues ba kayo this year? And then yun nga I found out na baka sumali sila sa PSL,” aniya.

Malaking hamon din aniya na makalaro ang mga reyna sa beach volley kaya kailangan niyang maghanda.

“Yung mga queen of beach volleyball sasali [tapos] parang ako wow kailangan kong maging prepared because I’ve been watching her [Sisi] IG stories na laging nasa buhangin po siya naglalaro,” dagdag pa nito. (Aivan Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?