56

Mar 23, 2021 @ 15:28
By

Ribo pinalagan benta laro ng BREN: Hindi ba kami pwedeng matalo?

Nagsalita na si CJ Ribo, ang sidelaner ng world champions BREN Esports, sa mga alegasyon na nagbebenta umano ng laro ang kanilang koponan.

Sa Facebook post ni Ribo, sinabihan nitong ‘tanga’ ang sinumang nagsasabi na sadya silang nagpapatalo para sa pera.

“Sa mga nag sasabing nag throw kami ng game para sa pera tanga di kami nag-thothrow sadyang kulang lang kami sa practice,” ayon kay Ribo.

Maraming fan kasi ang napaisip nang mag-post si Ribo ng bungkos ng pera matapos nilang matalo kontra Nexplay Esports.

Paliwanag naman ni ‘Doc’ Ribo, ang perang kanyang pinost ay galing sa negosyo nila ng kanyang girlfriend at sinabing pambili iyon ng kanilang bahay.

“SOBRANG TATANGA NIO MAG ISIP SA NAG SASABING NAG THROW KAMI. Hindi ba kami pwede matalo?” banat pa ni Ribo sa kanilang mga basher.

https://www.facebook.com/stephen.kyrie123/posts/848107175781270

Sa unang linggo ng MPL Philippines S7, naging masama ang simula ng BREN Esports matapos ang kanilang championship run sa M2.

Nabigo ang BREN kontra Onic, 2-1, at sinundan agad nang pagkabigo kontra NXP, 2-0.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?