18

Jul 19, 2021 @ 19:28

Ria keber sa aberya

WALANG pakialam sa naging delay ng laro si Petro Gazz Angels middle blocker Ria Meneses sa opening game ng koponan sa 2021 Premier Volleyball League Open Conference nitong Linggo kontra Black Mamba-Philippine Army.

Sa pagtatagpo ng dalawang panig sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte, inihinto ang laban second set, alas-4:46 ng hapon dahil sa ilang madulas na bahagi ng court dulot ng malakas na ulan sa nasabing lugar.

Makaraang maghintay ng ilang oras, muling umaksyon ang dalawang koponan kung saan namayagpag via four sets ang Petro Gazz 25-19, 22-25, 25-20, 25-21.

“Ako honestly kahapon ko pa sinasabi sa mga kasama ko na excited talaga ako sa game kasi parang lahat kami ang tagal naming hinintay ‘to tapos first game kaya kahit ang daming aberya kanina talagang pinu-push namin matapos na ‘yung game,” litanya ni Meneses ng pumoste ng 16 points, siyam mula sa blocks at isang service ace. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?