445

Aug 3, 2018 @ 17:44
By

Ria Atayde, masayang makatrabaho ang KathNiel!

Masaya si Ria Atayde sa pagiging bahagi niya ng pelikulang The Hows Of Us na pinagbibidahan ng premiere love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ipalalabas na ang pelikulang ito ng Star Cinema na pinamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Molina sa August 29.

Ito bale ang second movie ni Ria na unang napanood sa pelikulang Can We Still Be Friends na pinagbidahan nina Gerald Anderson at Arci Munoz.

Ayon kay Ria, “Nakakatuwa po na makasama sa movie. It’s a huge deal for my career… I’m honored.

“And it’s nice po, kasi kababata ko po si Daniel. So, parang hindi ko na po siya na kasama mula noong tumanda kami. Tapos si Kath po, now ko lang din po nakatrabaho. So, I’m getting to know her and I like what I’m learning about her.”

Anong masasabi mo sa KathNiel? Anong klase silang katrabaho?

“They’re such dedicated people and super bait nila pareho. Very professional po iyong dalawa.

“They’re so cute together and grabe po yung chemistry nila, both on and off screen. Pati ako kinikilig po, eh. Mabait silang katrabaho, very understanding din.”

How about si Direk Cathy?

“Solid po si Direk Cathy. She’s a visionary. She knows what she wants and will guide you to get there. Ang galing po niya and I’m learning a lot. She’s one of the directors on my bucket list, so I’m grateful to be given that chance,” saad pa ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?