284

Aug 22, 2018 @ 12:11
By

Ria Atayde, kaliwa’t kanan ang projects

Humahataw nang todo ang magandang Kapamilya aktres na si Ria Atayde. Kasama siya sa teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yen Santos, Yam Concepcion, at Sam Milby.

Bahagi rin si Ria ng isang reality show sa Hong Kong. Kasama ng aktres si Enchong Dee sa naturang show na mula sa action entertainment TV channel na KIX. Balita namin ay sa bandang October this year pa mapapanood ang naturang reality show.

Bukod pa rito, si Ria s ay may online show pang itine-tape sa ABS-CBN at may mga mall shows pa. Plus, may mga business na ring pinagkaka-abalahan ang anak na ito ni Ms. Sylvia Sanchez.

Pero hindi lang sa TV abala ngayon si Ria, dahil mayroon din siyang pelikulang nakatakdang gawin. Ito ang Girl in the Orange Dress na mula sa Quantum Films at tinatampukan nina Jericho at Jessy Mendiola. Looking forward daw si Ria sa project na ito dahil first time niyang mapapasali sa pelikulang part ng Metro Manila Film Festival.

Pero bago ang Girl in the Orange Dress, mapapanood muna si Ria sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn titled The Hows of Us. Giumaganap si Ria rito bilang bestfriend ni Kath. Sa August 29 na ang showing ng Star Cinema movie’ng ito na mula sa pamamahala ni Direk Cathy Garcia Molina.

Sobrang thankful nga ni Ria sa mga blessings na dumarating sa kanya ngayon.

Sa panig naman ni Ms. Sylvia, very vocal ang award-winning actress sa pagsasabing proud na proud siya sa mga anak na sina Ria at Arjo Atayde. Bukod kasi sa parehong masipag ang kanyang dalawang anak, kapwa professional ang mga ito at walang nababalitang naging sakit sila ng ulo sa trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?