55

Jun 17, 2020 @ 12:30

Rhian sinariwa ang lampungan kay Glaiza

Sa ‘How Do You Feel?: Usapang Artista’ ay ikinuwento ni Glaiza de Castro na iba’t ibang resources ang kanyang inaral sa role niya bilang si Althea sa ginawa niyang series noong 2015, kasama si Rhian Ramos.

“I was trying to interview people, ask about saan ba sila nanggagaling? Paano ba nila na-identify o nayakap ‘yung sarili nila? Una, siyempre, bilang mga aktor, ine-emulate muna natin ‘yung mga nakikita natin sa mga movies or sa series so during that time, umeere ‘yung ‘Orange Is The New Black.’ Kung kakayanin ko raw panoorin ‘yung ‘Blue Is The Warmest Color,’ panoorin ko raw,” kuwento ni Glaiza.

Si Rhian ay umamin na hindi siya handa noong tinanggap niya ang role ni Jade na dyowa ni Glaiza.

“I didn’t have any kind of preparation for it. I felt unprepared and those feelings helped my character because of all of the confusion and the insecurity I was going through, nakadagdag siya doon sa nararamdaman ni Jade na so many changes were happening to her emotionally. She didn’t know that she was a lesbian until she met Althea,” sey naman ni Rhian. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?