rhian
By

Rhian Ramos walang panty sa kanyang IG photo

Sharing is caring!

Ginulat na naman ni Rhian Ramos ang kanyang mga followings sa pinaka-latest photo posting niya kung saan halos kalahati na yata ng kaluluwa ng Kapuso star ay inilabas na niya.

Naging palaisipan sa lahat ang suot ni Rhian, ang iba ay nagtatanong at ang iba naman ay nag-iinit sa kakaisip kung meron nga o walang suot ang aktres.

Masisilip sa IG wall ni Rhian ang patagilid niyang shot suot ang isang black jumpsuit.

@whianwamos, “3 days to go, don’t let her go away,” caption ni Rhian sa larawan na ang mensahe ay patungkol sa magbubukas na serye niya sa Kapuso network.

Kung iisipin parang walang kinalaman ang caption sa itsura ni Rhian sa photo at tila hindi nagmarka sa isip ng mga nakasilip sa itsura ng aktres ang promo niya o plugging ng bagong show.

Hindi kasi ordinaryong jumpsuit ang suot ni Rhian.  Hindi rin simple ang pagkakatabas ng damit.

Bukas ang kalahati ng damit ni Rhian sa bandang tagiliran niya na ang tanging nakakapag-fit sa naka-open na bahagi ng tela ay ang mga string.

Ang tawag yata sa tabas na ito ay “peek-a-boo” dahil lumabas na parang hubo’t hubad na ang aktres sa suot nito.

Dahil sa tabas ng damit ay nalantad ang mga tattoo ng aktres sa balakang.

Naloka ang mga followings ni Rhian sa suot nito dahil lumalabas na parang walang suot na underwear ang aktres.

Hindi kasi pwedeng magsuot na kahit na anong panty o string bikini dahil lalabas ‘yun sa nakabukas na tagiliran ng damit.

@cloewe_hadid: “May panti kaya ito?”

@hanmasenpai: “No panty, no bra, so DAMN HOT!!”

@ate_elizabeth49: “Nakatulog lang ako, may pasabog ka na naman pala. At hindi ka pa nagsalawal..Luv u, see u on Sunday!”

@salvalancer” “@whianwamos, sinong nagtahi ng damit mo kakausapin ko nang masinsinan.”

@just_drawn: “Nxt Christmas reregaluhan po kita ng panty!”

Pati ang radio jock na si Sam YG ay napukaw ang atensyon at pinagsabihan si Rhian.

@_samyg, “@whianwamos huy! Wear a panty!”

Sinagot naman ito ni Rhian.

@whianwamos, “@_samyg safety first naman, a magician doesn’t reveal her secrets.”

Nag-comment naman ang isang following para sagutin si Sam.

@leoniep72: “Hahahaha @_samyg invisible man panty ni @whianwamos.”

Maging ang mga kapwa Kapuso artists ni Rhian na sina Iya Villania at Megan Young ay naloka rin sa suot ni Rhian.

@iyavillania: “Huwaaaaaawzerz!”

@meganbata: “Your armsssss.”

Sa “no panty” outfit ni Rhian na ito, walang dudang winalis niya ang lahat ng nagpa-sexy sa linggong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?