67

Sep 24, 2020 @ 19:23

Rhian Ramos sobra ang pinayat

Marami ang nabahala sa social media post ni Rhian Ramos kung saan makikita ang biglaang pagpayat nito.

Sey pa ng ilang netizen, tila ‘buto’t balat’ na ang aktres dahil sa kanyang bagong postura, kaya’t ilan ang nagtanong kung may sakit ba ito.

Ngunit nilinaw ni Rhian sa ’24 Oras’ na dulot lang ng stress ang kanyang naging pagpayat at wala siyang anumang eating disorder.

“In fact ‘pag nakatingin ako sa salamin alam ko, nakikita ko kung ano ‘yung itsura ko. It’s not like I’m trying to lose weight because I feel big. No,” lahad ni Rhian.

“Kasi iniisip talaga ng tao na nag-diet or nag-cardio ako para pumayat nang ganito pero ‘yung totoo lang talaga, it’s out of stress,” paliwanag pa ng aktres.

Ngayon ay magiging busy ulit si Rhian para sa lock-in shooting ng bagong teleserye nito na ‘Love of My Life’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?