29

Jun 10, 2020 @ 16:16
By

Rhian Ramos natuwa na pinapalabas ulit mga dating teleserye

Magandang desisyon, ayon kay aktres Rhian Ramos, na ipalabas muli ang mga dating TV show habang may COVID-19 lockdown.

Nagkakaroon aniya ng “pangalawang buhay” ang mga palabas dahil dito.

“Sa ngayon, I think it’s a good idea na binabalik ‘yung mga dating shows. Kasi marami doon sa mga shows na ‘yun, ginawa sa panahon na hindi pa uso ‘yung i-stream online or anything like that. It’s good that these shows have a second life,” sey ni Rhian sa Kapuso Showbiz News.

“Kasi ‘yung mga show ngayon, when it’s available online, pwedeng isang upo, natapos mo na lahat. Ang bilis ng consumption. Ang tagal-tagal niyang gawin, tapos ang bilis mo siyang iko-consume. Pero sa longer term, I think babalik sa dati,” paliwanag pa niya.

Kasama sa mga lumang series na muling pinapalabas ang show ni Rhian at Dingdong Dantes na Pinoy adaptation ng “Stairway To Heaven.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?