15

Feb 20, 2021 @ 10:07
By

Rhian Ramos Kapuso pa rin

Nanatiling Kapuso si Rhian Ramos matapos niyang i-renew ang kanyang kontrata sa GMA Network kahapon.

Kasama ng 30-anyos na aktres sa pagpirma ng kontrata ang ilang big boss sa nasabing network tulad nina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth Rasonable at GMA Vice President for Drama Productions Redgie Acuña-Magno.

https://www.instagram.com/p/CLduYakg-2U/?utm_source=ig_embed

“LOOK: Kapuso actress Rhian Ramos renews her contract with GMA Network today.”

Anang aktres, mapagpasalamat siya sa naturang network dahil sa oportunidad at gabay na ibinigay nito sa kanya sa loob ng 15 taon niyang pananatili rito.

“I am so happy and … I just feel lucky I get to live my dream and continue to live my dream with this station that supports me,” ani Ramos.

“This is where I feel most at home and most comfortable here,” pagpapatuloy niya.

“I grew up here even. I’ve been here for 15 years already … GMA has been so loyal to me through the years with all the opportunity they’ve given me and the guidance.”

Aniya, nais niya naman masabukan ang larangan ng hosting.

“I am actually super looking forward to more hosting,” she said. “It’s really fun to experience something with the audience,” sambit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?