224

Nov 1, 2018 @ 14:44
By

Rhian Ramos inaming naging crush si JM de Guzman

Sa presscon ng ‘Kung Paano Siya Nawala’ umamin si Rhian Ramos na nagkaroon siya ng crush sa kanyang leading man sa nasabing pelikula na si JM de Guzman.

Pero naka-move on na umano ngayon si Rhian.

“Hindi na ko natatakot kasi tapos na. Na-in love na ko kay JM,” sabi ni Rhian.

Kinuwento ng aktres kung paano sila nagkakilala ng aktor. Ayon kay Rhian, sa isang event sila nagkakilala at iba pa noon si JM.

“He looked different. He was kalbo, and he had a hiphop outfit on, and medyo chubby pa siya. When I met him at that event, for two weeks straight, punong-puno ‘yung notebooks ko ng ‘Juan Miguel de Guzman’,” kwento ni Rhian.

Pero iba daw ang version ni JM kung paano sila nagkakilala.

“Iba ‘yong idea niya kung paano kami nag-meet na hindi ko rin naaalala, sa awards show daw,” kwento pa ni Rhian.

Naamin niya ba sa aktor ang kanyang feelings?

Ayon kay Rhian, nang matapos na nila ang movie, tsaka niya pa lang nasabi ang sa kanyang old crush ang old feelings niya.

Well, abangan na lang natin kung may effect ang old feelings ni Rhian kay JM sa kanilang movie.

Sa teaser pa lang na pinost ng aktres sa kanyang Instagram, makikita ang kakaibang story at chemistry ng dalawa.

Optimistic at free-spirited ang karakter ni Rhian na si Shana na nakilala ang karakter ni JM na si Lion a may sakit na face blindness.

Ipapalabas na ang movie sa November 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?