87

Aug 12, 2019 @ 19:12
By

Rhian Ramos balik bansa matapos mag-aral sa NY

Masisilayang muli sa mga palabas ng Kapuso Network si Rhian Ramos.

Balik Pilipinas si Rhian matapos siyang mag-aral ng acting sa New York.

Kasama umano si Rhian sa upcoming drama series na “Love Of My Life”.

Naglagi pa ng ilang araw sa Big Apple si Rhian matapos ang kanyang acting course para sa makadalo sa red carpet premiere ng kanyang latest film na “Empty By Design”, na nagwaging Best International Feature Film sa SOHO Film Festival.

Kuwento ni Rhian, proud siyang maging bahagi ng naturang movie dahil tatlo lang silang Filipino roon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?