123

Nov 16, 2018 @ 17:10
By

Rhian nataranta sa halik ni JM

Tinapos ni Rhian Ramos ang promotion at ngayong showing na ang pelikula nila ni JM de Guzman na “Kung Paano Siya Nawala” at naka-set na itong pansamantalang mamuhay mag-isa sa New York kunsaan mag-aaral siya ng Comedy Applied or Comedy Impromptu.

Sa December 1 na raw siya aalis at wala pa raw siyang return flight na ticket kaya hindi pa niya masagot kung kailan talaga siya babalik. Though, pagbalik, umaasa si Rhian na mas magiging independent siya at mas maraming gagawing trabaho dahil na-miss niya.

Nakausap namin si Rhian day before the showing of their movie dahil sa ikalawang pagkakataon, pinanood niyang muli sa special screening ang pelikula nila at mas na-enjoy raw niya yung second time.

Ang dami nilang kissing scenes at love scenes ni JM kaya natatawa si Rhian nang tanungin kung kumustang kisser ang actor.

“I don’t know, wow! My mind was not there. I mean, good? I guess! Hahaha! I don’t know?” natarantang sagot ni Rhian.

Ilan na rin ang mga nagawang proyekto ni Rhian na meron siyang kissing scenes at kahit love scenes. Sabi nga niya, para sa kanya yung love scene nila ni JM sa movie ay tinitingnan niya na ‘loving’ as compared sa ibang nagawa niya na mas lustful daw.

Pero ayaw raw niyang mag-rank ng mga naging leading men pagdating sa pagiging good kisser ng mga ito.

“I don’t wanna rank them like he’s good, I’m better, hahaha! I’m just kidding. That’s so hard to answer. I already know what will gonna happen to me if I’ll answer that question and someone will gonna kill me.”

At dahil nga lumabas na naman na sina JM at Barbie Imperial na, hindi kaya siya ma-bash ng mga fans ng dalawa sa mga kissing at love scenes nila sa movie?

“Well, I hope not, I hope not. I hope they will watch it and enjoy. I mean, this film is really, really important to us and as much as possible, we just want to do it professionally.”

Sabi nga ni Rhian, sa lahat daw nang ginawa niyang pelikula, bukod sa isa siya sa mga producer nito along with TBA Studios, ito raw talaga ang pinaka-personal para sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?