6

By

Rhian, ‘inisnab’ na fan, nagkaayos na

Sharing is caring!

Inakusahan na isnabera ang Kapuso actress na si Rhian Ramos ng isang fan na hindi napagbigyan na magpa-picture ang aktres kasama siya.

Ang insidente ay sa premiere night ng ‘Goyo: Ang Batang Heneral’. Maraming artista ang dumalo sa premiere at isa doon si Rhian.

Humiling ang fan na magpa-picture sa actress, pero dahil sa dami ng moviegoers hindi sila nagkaintindihan. Iba ang naging interpretasyon ni Rhian sa ginawa ng fan.

Hindi nagustuhan ng fan ang reaksyon ng Kapuso actress. Tinanong daw kasi ni Rhian ang fan kung bakit siya tinutulak, sabay pangi-snob sa kanya (fan).

Nilabas ng fan ang sama ng loob kay Rhian sa social media. Kung ano-ano na ang sinabi sa kanyang account. Kesyo may attitude problem daw ang actress at iba pang maanghang na salita against kay Rhian.

Nag-tweet naman ang Kapuso actress upang humingi ng dispensa at ipaliwanag ang kanyang panig.

Ayon sa aktres, natakot siya at natural lamang iyon nang bigla siyang itulak ng taong hindi niya kilala.

Twit ni Rhian: “You also have to understand that for anyone, kahit hindi actor, it can be scary to be held, pushed or pulled by a stranger… that’s why anyone else who just asked me got a photo. It was a question, not an accusation. I’m sorry, you scared me.”

Nagpaliwanagan ang magkabilang panig. Nabasa ng fan ang mensahe ni Rhian. Nag-sorry din siya after mabasa ang Twit ng Kapuso actress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: